Pangulong Xi Jinping ng Tsina, nakipag-usap kay Pangulong Alassane Ouattara ng Cote d'Ivoire

2018-08-30 17:34:13

Great Hall of the People, Beijing - Nag-usap ngayong araw sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Alassane Ouattara, Pangulo ng Cote d'Ivoire. Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang lider na pasusulungin ang relasyon ng Tsina at Cote d'Ivoire sa mas mataas na lebel para isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.
Mainit na pagtanggap ang sinalubong ni Pangulong Xi Jinping kay Pangulong Alassane Ouattara na dumating ng Tsina para lumahok sa Porum ng Kooperasyon ng Tsina at Aprika, at magsagawa ng dalaw-pang-esdado sa bansa.


Tinukoy ni Xi na nitong nakaraang 35 taon, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Cote d'Ivoire, walang humpay na lumalawak ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan at natamo ang maraming bunga.


Ani Xi, pinapupurihan ng Tsina ang Cote d'Ivoire sa buong tatag nitong pananangan sa patakarang “Isang Tsina.”


Buong tatag din aniyang kinakatigan ng Tsina ang Cote d'Ivoire sa pangangalaga nito sa soberanya ng bansa at mga kapakanan sa seguridad at pag-unlad.


Sinusuportahan ng Tsina ang Cote d'Ivoire sa pagtahak nito sa landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayan ng sarili, dagdag ni Xi.
Ipinahayag naman ni Pangulong Ouattara ang pagbati ng kanyang bansa sa mga bungang natamo ng Tsina sa reporma at pag-unlad.


Itinuturing aniya ng Cote d'Ivoire ang Tsina bilang isang modelo.


Buong lakas na kinakatigan ng Cote d'Ivoire ang mahalagang mungkahi ng “One Belt and One Road” na inihain ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.


Nakahanda ang Cote d'Ivoire na aktibong pasulungin sa mga bansa ng Union Economique et Monétaire Ouest-Africaine o UEMOA ang pakikisangkot sa One Belt and One Road, aniya pa.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino