Export-Import Bank of China, tumutulong sa mga bansang Aprikano sa sarilinang pag-unlad

2018-08-31 12:57:21 CRI

Hanggang katapusan ng nagdaang Hunyo, 45 bansang Aprikano ang tumanggap ng tulong na pondo mula sa Export-Import Bank of China para mapasulong ang kanilang kakayahan sa sarlinang pag-unlad.

Ito ang ipinahayag Huwebes, Agosto 30, ni Xie Ping, Pangalawang Gobernador ng nasabing bangkong Tsino.

Inilahad din ni Xie na ang pautang ng kanyang banko ay sumasaklaw sa larangan ng transportasyon, kuryente, industriya ng paggawa, impormasyon, edukasyon, kalusugan at iba pa. Makakatulong aniya ang mga ito sa pagpapaunlad ng imprastruktura ng mga bansang Aprikano at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Halimbawa, sa tulong na pinansyal mula sa nabanggit na bangkong Tsino, naitatag ng Nairobi ang Mombasa-Nairobi Railway. Ito ang unang daambakal ng bansa nitong mga sandaang taong nakalipas. Salamat sa relis na ito, nabawasan ng 40% ang halaga ng lohistika ng Nairobi. Samantala, ang naitatag na Kaleta Hydropower Station sa Guinea ay nagpapataas ng 58% ng ginagawang koryente ng bansa.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino