Ika-7 Financial Ministers' Dialogue ng Tsina at Hapon, idinaos sa Beijing; kooperasyong pinansyal, palalakasin

2018-09-01 16:13:46 CRI

Biyernes, Agosto 31, 2018, idinaos sa Beijing ang ika-7 Financial Ministers' Dialogue ng Tsina at Hapon. Kalahok dito sina Liu Kun, Ministro ng Pananalapi ng Tsina, at Taro Aso, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Pananalapi ng Hapon, kasama ang mga opisyal sa mataas na antas ng mga ministri ng pananalapi, bangko sentral, at departamento ng pagsusuperbisa't pangangasiwa sa pinansya ng dalawang bansa.

Malalimang tinalakay ng kapuwa panig ang mga paksang gaya ng kalagayan ng macro-economy ng Tsina at Hapon, mga patakaran at repormang pang-estruktura, bilateral na kooperasyong piskal at pinansyal, at kooperasyon sa ilalim ng mga multilateral na balangkas gaya ng G20, ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea (10 3) at iba pa. Narating sa diyalogo ang maraming komong palagay sa kooperasyon.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino