Pangulong Tsino, magkakahiwalay na nakipagtagpo sa mga panauhing Aprikano

2018-09-01 16:14:59 CRI

Sabado, Setyembre 1, 2018, magkakahiwalay na nakipagtagpo dito sa Beijing si Pangulong Xi Jinping Tsina sa kanyang mga Aprikanong counterpart na kinabibilangan nina Pangulong Danny Faure ng Seychelles, Pangulong Patrice Talon ng Benin, Pangulong Alpha Condé ng Guinea, Pangulong George Weah ng Liberia, at Pangulong Peter Mutharika ng Malawi.

Tinalakay ng mga lider ang hinggil sa bilateral na relasyon, pangangalaga sa sistema ng multilateral na kalakalan, kapayapaan at katiwasayan ng Aprika, konstruksyon ng Belt and Road, kooperasyon ng Tsina at Aprika at iba pang paksa.

Sumaksi rin si Xi, kasama ng mga Aprikanong counterpart, sa paglagda ng mga dokumento hinggil sa bilateral na kooperasyon.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino