Ugnayang Sino-Aprikano, ibayo pang susulong

2018-09-02 16:27:18 CRI

Nakatakdang idaos sa Beijing bukas, Lunes, Setyembre 3, 2018 ang dalawang-araw na 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).

Sa magkakahiwalay na okasyon Sabado at Linggo, Setyembre 1 at 2, nakipagtagpo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga lider Aprikano na lalahok sa gaganaping porum.

Kabilang sa mga panauhing dayuhan ay Pangulong Azali Assoumani ng Comoros, Pangulong Ali-Ben Bongo Ondimba ng Gabon; Pangulong Edgar Lungu ng Zambia, Pangulong Filipe Nyusi ng Mozambique, Pangulong Omar al-Bashir ng Sudan, Pangulong Teodoro Obiang Nguema Mbasogo ng Equatorial Guinea, Pangulong Hage Geingob ng Namibia, Punong Ministro Pravind Jugnauth ng Mauritius, at iba pa.

Sa kanilang pagtatagpo, pinag-usapan ng pangulong Tsino at mga  lider Aprikano hinggil sa relasyong bilateral at relasyong Sino-Aprikano, mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Ipinahayag din nila ang kahandaan ng magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI) para sa komong kasaganaan.

Tumayong-saksi rin sila sa paglagda ng mga dokumentong pangkooperasyon.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino