Premyer Tsino at Pangulo ng Sudan, nag-usap

2018-09-03 09:45:10 CRI

Nakipag-usap Setyembre 2, 2018 sa Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Pangulong Omar al-Bashir ng Sudan.

Ipinahayag ni Premyer Li na bilang matalik na kaibigan ng Tsina sa Aprika at mga bansang Arabe, pinahahalagahan ng Tsina ang tradisyonal na mapagkaibigang relasyon sa Sudan. Aniya, nagpalitan ng kuru-kuro sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Bashir ng Sudan hinggil sa ibayong pagpapasulong ng mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa. Ipinahayag ng Premyer Tsino na suportado ng Tsina ang landas na pangkaunlaran ng Sudan, at pagsisikap sa pangangalaga sa kapayapaan ng bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Sudan para pahigpitin ang pragmatikong pagtutulungan sa konstruksyon ng Belt and Road, kalakalan, pamumuhunan, agrikultura, at iba pa, para ibayo pang pasulungin ang pag-unlad ng kani-kanilang lipunan at kabuhayan. Ipinahayag naman ni Bashir na nitong 60 taong nakalipas, sapul nang pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Sudan, mabunga ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan. Aniya, pinasalamatan ng Sudan ang walang tigil na tulong na ibinibigay ng Tsina para pangalagaan ang katatagan at kaunlaran ng bansa. Aniya, ang pagtutulungan ng Tsina at Sudan ay nagsusulong ng Kooperasyong Timog sa Timog at Sino-Aprikano.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino