Tsina, itatatag ang pundasyon ng kooperasyong pangkapayapaan at panseguridad ng Tsina at Aprika

2018-09-03 18:51:57 CRI

Sa 2018 Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) Summit na ginanap sa Beijing Lunes, Setyembre 3, 2018, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ipinasiya ng Tsina na itatag ang pundasyon ng kooperasyong pangkapayapaan at panseguridad ng Tsina at Aprika upang suportahan ang kooperasyong Sino-Aprikano sa pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasan. Aniya, patuloy na ipagkakaloob ng Tsina ang walang-bayad na tulong na militar sa Unyong Aprikano (AU). Bukod dito, itatatag aniya ang Porum na Pangkapayapaan at Panseguridad ng Tsina at Aprika para ito ay maging plataporma ng pagpapalakas ng pagpapalitan ng dalawang panig sa larangang pangkapayapaan at panseguridad. Sa mga larangang gaya ng magkakasamang konstruksyon ng "Belt and Road," pampublikong seguridad sa lipunan, gawaing pamayapa ng United Nations (UN), pagbibigay-dagok sa mga pirate, at paglaban sa terorismo, isasagawa ng Tsina ang 50 proyektong pantulong sa seguridad sa Aprika, sabi ni Xi.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino