Pangulo ng Tsina at Kenya, nag-usap

2018-09-05 10:20:53 CRI

Nag-usap Setyembre 4, 2018 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Uhuru Kenyatta ng Kenya.

Binigyan-diin ni Pangulong Xi na bilang huwaran ng kooperasyong Sino-Aprikano, mabilisang umuunlad ang estratehikong partnership ng Tsina at Kenya sa ibat-ibang larangan. Positibo aniya ang Tsina sa paglahok ng Kenya sa konstruksyon ng Belt and Road, at Asian Infrastructure Investment Bank. Nakahada aniya ang Tsina na bigyan ng tulong ang Kenya sa pagtatatag ng mga economic area at industriyal park.  Ipinahayag naman ni Kenyatta na tiniyak ng Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) ang direksyong pangkaunlaran, at susulong ang kasaganaan ng dalawang panig. Pinasasalamatan aniya niya ang pamahalaang Tsino na pinamumunuan ni Pangulong Xi sa pagbibigay-tulong sa Aprika. Nakahanda aniya ang Kenya na palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership sa Tsina. Nakahanda itong lumahok sa konstruksyon ng Belt and Road para ibayong pasulungin ang kanilang konektibidad, dagdag pa niya.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino