Pangulo ng Tsina at Rwanda, nag-usap

2018-09-05 10:31:29 CRI

Nag-usap Setyembre 4, 2018 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Paul Kagame ng Rwanda.

Tinukoy ni Pangulong Xi ang pasasalamat sa mahalagang ambag na ginawa ni Pangulong Kagame sa pagdaraos ng Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC). Umaasa aniya siyang tutupdin ng Tsina at Rwanda ang komong palagay na narating ng mga kataas-taasang lider ng dalawang panig noong Hulyo ng taong ito sa Rwanda, at resultang natamo sa Beijing Summit para ibayong pahigpitin ang mapagkaibigang estratehikong pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.

Ipinahayag naman ni Kagame ang pagbati sa tagumpay ng FOCAC Beijing Summit. Aniya, pinasalamatan niya ang pagpapahalaga ng Pangulong Tsino sa relasyong Sino-Aprikano at walang tigil na pagbibigay-tulong ng pamahalaang Tsino sa pag-unlad ng Aprika. Magsisikap aniya ang Rwanda para ibayo pang pasulungin ang pakikipagtulungan sa Tsina at pagtutulungan ng Tsina at Aprika.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino