Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa pangulo ng Chad

2018-09-05 17:33:15

Nagtagpo ngayong araw, Setyembre 5, 2018, sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Idriss Déby ng Chad.

Nagpahayag si Xi ng kahandaang pasulungin, kasama ng panig ng Chad, ang pagpapatupad ng mga proyekto ng imprastruktura, at tulungan ang Chad na pabilisin ang proseso ng industriyalisasyon. Tutulungan din aniya ng panig Tsino ang Chad na pataasin ang kakayahan sa paglaban sa terorismo at misyong pamayapa.

Sinabi naman ni Pangulong Déby na natamo ng kooperasyon nila ng Tsina ang aktuwal na bunga. Winewelkam niya ang pamumuhunan at teknolohiya ng Tsina, para walang humpay na palalimin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.

Pagkatapos nito, sumaksi ang dalawang lider sa paglagda ng dokumento ng bilateral na kooperasyon.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino