Xi Jinping, nagpadala ng mensaheng pambati sa bagong halal na pangulo ng Pakistan

2018-09-06 12:12:22 CRI

Martes, Setyembre 4, 2018, nagpadala ng mensaheng pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa bagong halal na pangulo ng Pakistan na si Arif Alvi.

Anang mensahe, sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, napakahalaga ng estratrehikong katuturan ng relasyong Sino-Pakistani. Dapat mas matatag na katigan ng dalawang bansa ang isa't isa, at isagawa ang mas malalimang kooperasyon. Dagdag pa ni Xi, lubos na pinahahalagahan niya ang pag-unlad ng relasyong Sino-Pakistani. Nakahanda siyang pasulugin, kasama ni Alvi, ang estratehiko't kooperatibong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas, at itatag ang mas mahigpit na community with a shared future ng Tsina at Pakistan.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino