Sumadsad kamakailan ang isang bapor na pandigma ng Pilipinas sa rehiyong pandagat sa paligid ng Banyue Shoal ng Nansha Islands. Kaungay nito, sinabi Miyerkules, Setyembre 5, 2018 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Minsitring Panlabas ng Tsina na ibinalik na nitong Martes ng madaling araw ng panig Pilipino ang nasabing bapor.
Aniya, pagkaraang sumadsad ang bapor, agarang ipinaalam ng panig Pilipino sa panig Tsino ang mga kaukulang impormasyon at balak sa pagliligtas, at tinalakay ng kapuwa panig ang mga suliraning may kinalaman sa pagbibigay-tulong ng panig Tsino sa pagliligtas. Nanatiling mainam din ang pagpapalitan sa pagitan ng mga bapor ng coast guard ng Tsina at mga bapor na Pilipino.
Salin: Vera