Premyer Tsino, nakipagtagpo sa Chairman at CEO ng ExxonMobil

2018-09-08 16:03:15 CRI

Nakipagtagpo kahapon, Biyernes, ika-7 ng Setyembre 2018, sa Beijing, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, kay Darren Woods, Chairman at CEO ng ExxonMobil Corporation ng Amerika.

Ipinahayag ni Li, na ang malusog na pag-unlad ng bilateral na pamumuhunan ng Tsina at Amerika ay hindi lamang makakabuti sa kapwa panig, kundi makakatulong din sa katatagan ng kabuhayang pandaigdig, at paglaki ng kalakalang pandaigdig. Ipinahayag niya ang pagtanggap sa konstruksyon ng ExxonMobil Corporation ng malaking proyektong petro-kemikal na may ganap na pagmamay-ari sa Tsina.

Tinukoy din ni Li, na ibayo pang paluluwagin ng Tsina ang market access, paiiralin ang pantay-pantay na pakikitungo sa mga kompanyang Tsino at dayuhan, mas mahigpit na pangangalagaan ang intellectual property rights, patuloy na pabubutihin ang kapaligirang pangnegosyo, at magbibigay ng mas maraming ginhawa sa mga kompanyang dayuhang mamumuhunan sa Tsina.

Isinalaysay naman ni Woods, na sa biyaheng ito, nakipag-usap siya sa panig Tsino hinggil sa konstruksyon ng proyektong petro-kemikal na may ganap na pagmamay-ari ng kanyang kompanya sa lalawigang Guangdong sa katimugan ng Tsina, at nagkakahalaga ng 10 bilyong Dolyares ang proyektong ito. Ipinahayag din ni Woods ang paghanga sa mga hakbangin ng pamahalaang Tsino sa pagbubukas, pagnenegosyo, at pangangalaga sa IPR. Aniya pa, pangmatagalan ang pakikipagkooperasyon ng ExxonMobil sa Tsina, at mayroon siyang kompiyansa sa tagumpay ng naturang proyekto.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino