10 pagkakasundo, narating ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Pakistan

2018-09-09 16:40:11 CRI

Islamabad — Sa magkasamang pakikipagkita Sabado, Setyembre 8, 2018, sa mga mamamahayag, inilahad nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Shah Mehmood Qureshi, Ministrong Panlabas ng Pakistan, ang sampung (10) kanilang narating na mahalagang komong palagay tungkol sa komprehensibong pagpapalalim ng estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Sinabi ni Wang na ang layon ng kanyang biyahe sa Pakistan na makalikha ng mabuting simula ng relasyong Sino-Pakistani sa bagong kalagayan.

Ayon kay Wang, ang narating na sampung pagkakasundo ay una, dapat palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan at palakasin ang estratehikong pagsasanggunian; ikalawa, dapat pasulungin pa ang konstruksyon ng China-Pakistan Economic Corridor (CPEC); ikatlo, dapat magsikap ang dalawang panig para maigarantiya ang makabalanseng pag-unlad ng bilateral na kalakalan; ika-apat, dapat buong sikap na pasulungin ang kooperasyon sa kakayahan ng produksyon; ikalima, dapat palakasin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng agrikultura, edukasyon, medisina, at tubig-maiinom; ika-anim, dapat palakasin ang kooperasyon sa larangang pandepensa at panseguridad; ikapito, dapat palakasin ang pagpapalitan ng karanasan ng dalawang panig sa pangangasiwa sa estado; ikawalo, dapat palawakin ang pagpapalitan sa larangang pangkultura; ikasiyam, dapat palakasin ang kooperasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig; ikasampu, dapat patuloy na magsikap ang dalawang panig para mapasulong pa ang kanilang komprehensibo't estratehikong partnership.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino