Lider ng Tsina at DPRK, nag-usap

2018-09-10 11:15:32 CRI

Nag-usap Setyembre 9, 2018 sa Pyongyang sina Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at Kim Jong-un, Chairman ng Workers' Party at Council of State ng DPRK.

Bilang sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ipinaabot ni Li kay Kim ang pagbati at liham ng Pangulong Tsino.

Ipinahayag ni Pangulong Xi na nitong 70 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng DPRK, sa pamumuno ng tatlong henerasyong kataas-taasang lider ng DPRK, malaking tagumpay ang natatamo ng bansa sa konstruksyon ng sosyalismo.

Binigyang-diin ng Pangulong Tsino na ang pagpapatibay at pagpapasulong ng pakikipagtulungan ng Tsina sa DPRK ay nagsisilbing matatag na patakaran ng partido at pamahalaan ng Tsina. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng DPRK para tupdin ang mga narating na komong palagay, para ibayo pang pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino