Qingdao Forum ng Kooperasyong Pandagat ng Silangang Asya, idinaos

2018-09-10 14:26:36 CRI

Qingdao — Mula Setyembre 6 hanggang 7, 2018, idinaos ang 2018 Qingdao Forum ng Kooperasyong Pandagat ng Silangang Asya.

Ipinahayag ni Wang Hong, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Dagat ng Tsina, na ang plataporma ng kooperasyong pandagat ng Silangang Asya ay mahalagang proyekto ng pagpapalalim ng kooperasyong pandagat ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina, Hapon, at Timog Korea (10 3). Natamo aniya ng kooperasyong ito ang substansyal na progreso.

Ipinahayag din ni Sun Jiye, Pangalawang Gobernador ng probinsyang Shandong ng Tsina, na ang nasabing plataporma ay isang pangunahing hakbangin para sa pagsasakatuparan ng "Belt and Road" Initiative. Ito rin aniya ay mahalagang plataporma ng pagpapalalim ng kooperasyong pandagat ng 10 3.

Sapul nang pormal na pasimulan ang pagtatatag ng plataporma noong 2016, dalawang taunang porum ang matagumpay na idinaos. Dumalo rito ang mahigit 580 panauhin at mahigit 630 bahay-kalakal mula sa 38 bansa't rehiyon.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino