Lider ng Tsina, dumalaw sa DPRK

2018-09-11 10:20:55 CRI

Sa paanyaya ng Workers' Party at pamahalaan ng DPRK, dumalaw sa bansa ang delegasyong Tsino na pinamunuan ni Li Zhanshu, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina (CPC) at Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), mula ika-8 hanggang ika-10 ng buwang ito. Dumalo rin ang delegasyong Tsino sa mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng DPRK.

Sa pakikipag-usap kay Kim Yong-nam, President of Presidium ng Supreme People's Assembly at Pirmihang Kagawad ng Workers' Party ng DPRK, ipinahayag ni Li na naitayo ng older generation liders ng Tsina at DPRK ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang panig. Nagsisikap aniya ang Tsina para patibayin at pasulungin ang pakikipagtulungan sa DPRK sa estratehikong pananaw. Aniya, nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng DPRK para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato, para ibayong pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang gagawa ang Tsina at DPRK ng mas malaking ambag para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Ipinahayag naman ni Kim Yong-nam na sumusulong ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at DPRK, batay sa pagpapahalaga ng mga liderato ng dalawang bansa. Aniya, sa kasalukuyan, isinasagawa ng kanyang bansa ang bagong estratehiyang pangkaunlaran. Umaasa aniya siyang matatamo ang karanasan mula sa Tsina. Nakahanda aniya ang DPRK na magsikap, kasama ng Tsina para tupdin ang mga narating na komong palagay at ibayong palalimin ang pagtutulungan at pagpapalitan sa ibat-ibang larangan.



Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino