Ika-15 CAEXPO mas pinalawig, handa nang simulan bukas

2018-09-11 19:50:13 CRI

Nakatakdang buksan bukas ang Ika-15 China-ASEAN Expo (CAEXPO) sa Nanning, Guangxi, Tsina. Ang tema ng expo ngayong taon ay "Magkakasamang Itatag ang Maritime Silk Road sa Ika-21 Siglo, Buuin ang Komunidad ng Inobasyon ng Tsina at ASEAN."

Sa news briefing na ginanap Setyembre 11, 2018 sa Yongzhou Hotel, Nanning, Guangxi ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang ilang tampok sa CAEXPO ngayong taon.

Ang Country of Honor ng Ika-15 CAEXPO ay Cambodia. Samantala ang Special Partner Country naman ay Tanzania. Aniya pa kasali rin sa expo ang 19 na Belt and Road countries kabilang ang Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Australia, Germany at Spain. Ayon pa kay Gao tumaas ng 43% ang bilang ng dayuhang kumpanya na sumali ngayong taon.

Lalahok sa expo na gaganapin mula Setyembre 12-15, 2018 ang 70 Philippine micro, small and medium enterprises (MSMEs) at itatanghal ang samu't saring mga produktong Pinoy sa isang malaking pavillon sa Nanning International Convention and Exhibition Center.

Ang lalawigang Tarlac ang itatampok bilang City of Charm ngayong taon at ibibida nito ang mga oportunidad para sa pamumuhunan sa mga sektor ng agrikultura, turismo at kalakalan.

Sa news briefing nabanggit din ni Romeo Arca Jr., Assistant Director ng Community Relations Division ng ASEAN Secretariat, na bukod sa aspekto ng ekonomiya at kalakalan, ngayong taon mas binigyan ng kaniyang tanggapan ang youth and educational development upang palawigin ang kaalaman ng mga kabataan at mga mag-aaral hinggil sa ASEAN at isulong ang mas masigla at malalim na ugnayan.

Ngayong taon ipinagdiriwang ang ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at Taon ng Inobasyon ng Tsina at ASEAN.

Dadalo sa opening ceremony ng ika-15 CAEXPO si Vice Premier Han Zheng ng Tsina, Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, House Speaker Gloria Arroyo ng Pilipinas, kasama ang iba pang matataas na opisyal ng ASEAN at Tanzania.

Ang CAEXPO ay unang idinaos noong 2004. Hangad nitong isulong ang China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) tungo sa magkasamang paghahanap ng mga pagkakataong pangkooperasyon at kaunlaran sa larangan ng kalakalan, negosyo at pamumuhunan. Sa taong 2017 ang accumulative two-way investment ay umabot na sa US0billion.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino