Tsina, positibo sa pagpapahigpit ng diyalogo ng Hilagang Korea at Amerika-Tagapagsalitang Tsino

2018-09-12 10:06:27 CRI

Ipinahayag Setyembre 11, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kinakatigan ng Tsina ang pagpapahigpit ng diyalogo sa pagitan ng Hilagang Korea at Amerika.

Winika ito ni Geng bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Kim Jong-un, Kataas-taasang lider ng Hilagang Korea sa isang mensaheng ipinadala kay Pangulong Donald Trump ng Amerika hinggil sa inaasahang pagdaraos ng ikalawang pagtatagpo ng dalawang panig.

Sinabi ni Geng na ang patuloy na pagpapasulong ng talastasang pangkapayapaan ng Hilagang Korea at Amerika ay hindi lamang angkop sa komong interes ng mga may-kinalamang panig, kundi maging mithiin ng komunidad ng daigdig. Umaasa aniya siyang tutupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng Hilagang Korea at Amerika at pahihigpitin ang diyalogo para ibayo pang pasulungin ang pagsasakatuparan ng denuklearisasyon at kalutasang pampulitika sa Peninsula ng Korea.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino