Mga lider ng Tsina at Biyetnam: ibayong pagpapataas ng kalidad ng pagtutulungan

2018-09-12 12:10:17 CRI

Nakipag-usap sa Hanoi, Setyembre 11, 2018 si Pangalawang Premyer Hu Chunhua ng Tsina kay Pangalawang Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam.

Ipinahayag ni Hu na nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Biyetnam para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng relasyon ng dalawang panig para pasulungin pa ang kanilang partnership. Umaasa aniya siyang palalalimin ang pagtutulungan ng Tsina at Biyetnam sa kalakalan at pamumuhunan, at ibayong patataasin ang kalidad ng kooperasyon ng dalawang panig.

Ipinahayag naman ni Nguyen Xuan Phuc na ang pagpapalakas ng pagkakaibigang pangkapitbansa at komprehensibong pakikipagtulungan sa Tsina ay nagsisilbing priyoridad na usapin ng Biyetnam. Pinahahalagahan aniya ng Biyetnam ang hakbanging isinasagawa ng Tsina sa ibayong pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, at sinusuportahan at lalahukan ng kanyang bansa ang konstruksyon ng Belt and Road. Dagdag pa niya, dadalo siya sa China International Import Expo.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino