Lider ng Tsina at Singapore, nag-usap

2018-09-12 12:09:34 CRI

Nag-usap Setyembre 11, 2018 sa Hanoi sina Pangalawang Premyer Hu Chunhua ng Tsina at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore.

Ipinahayag ni Hu na nananatiling matatag ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Singapore. Aniya, suportado ng Tsina ang mga gawain ng Singapore bilang tagapangulong bansa ng ASEAN. Positibo aniya ang Tsina sa ambag ng Singapore sa pagpapasulong ng Regional Comprehensive Economic Partnership. Nakahanda aniya ang Tsina na ibayong palalimin ang pragmatikong pakikipagtulungan sa ASEAN. Umaasa aniya siyang pahihigpitin ang mataas na pagpapalitan ng Tsina at Singapore, at patataasin ang kalidad ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa kabuhayan at kalakalan. Aniya, idaraos ng Tsina ang International Import Expo sa susunod na Nobyembre, at inaasahang lalahok ang Singapore sa pagtitipong ito.

Ipinahayag naman ni Lee na nakahandang magsikap ang Singapore, kasama ng Tsina para pasulungin ang talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership, para maisakatuparan ang  kasaganaan at kaunlaran ng rehiyon. Aniya, gaganap ng konstruktibong papel ang Singapore para ibayong palalimin ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino