Pangulong Tsino at PM Hapones, nagtagpo

2018-09-12 14:20:42 CRI

Nakipagtagpo ngayong araw, Miyerkules, ika-12 ng Setyembre 2018, sa Vladivostok, Rusya, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon.

Ipinahayag ni Xi ang pakikiramay sa panig Hapones, kaugnay ng malaking kasuwalti at kapinsalaang dulot ng bagyo at lindol sa ilang lugar ng bansang ito.

Tinukoy niyang, bilang pangunahing ekonomiya sa daigdig at mahalagang bansa sa rehiyon, dapat magkasamang isabalikat ng Tsina at Hapon ang responsibilidad, para magpatingkad ng konstruktibong papel sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.

Sinabi rin ni Xi, na nitong ilang nakalipas na panahon, sa ilalim ng pagsisikap ng kapwa panig, pumasok sa normal na landas ang relasyong Sino-Hapones. Umaasa aniya siyang pananatilihin ng dalawang panig ang tunguhing ito, at pasusulungin ang pagtamo ng mas malaking proseso ng relasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Abe ang pasasalamat sa pakikiramay ni Pangulong Xi. Ipinahayag niya ang pag-asang itatatag ng Hapon at Tsina ang mas mahigpit na relasyon, at isasakatuparan ang komong kaunlaran at kasaganaan. Nakahanda rin aniya ang Hapon, kasama ng Tsina, na palakasin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, at matamo ang mas maraming bunga sa kooperasyon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino