Tsina, pinakamalaking trading partner ng Pilipinas

2018-09-14 09:10:57 CRI

Si Undersecretary Nora K. Terrado ng Department of Trade and Industry (DTI)

Pinakamalaking trading partner ng Pilipinas ang Tsina para sa taong 2017. Ito ang ipinahayag ni Undersecretary Nora K. Terrado ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Philippine Promotion Conference, Setyembre 13, 2018 sa Nanning, Guangxi. Lumalahok sa kasalukuyan ang pinakamalaking delegasyong Pilipino sa Ika-15 China ASEAN Expo.

Ayon kay Usec. Terrado umabot sa US.5billion ang kabuuang bilateral trade sa Tsina, lumaki mula sa US.9billion noong 2016.

Si Usec. Terrado habang kinakapanayam ng reporter ng CRI

Batay sa datos ng DTI nagkaroon ng 50% paglaki sa fruit exports noong isang taon, partikular ang saging at pinya na inaangkat ng Tsina. Nitong 2017 din, sinimulan ng Pilipinas ang pag-papadala sa kauna-unahang pagkakataon ng asukal sa Tsina. Ito ay nagkakahalaga ng USmillion at bunga ng bumubuting relasyon ng Pilipinas at Tsina.

Ulat : Mac Ramos

Larawan: Vera

Web Editor: Jade / Lito 

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino