Tsina at halos 140 bansa, inilabas ang pahayag hinggil sa pagbabawas ng karalitaan at pagpapasulong ng karapatang pantao

2018-09-15 16:33:34 CRI

Sa Ika-39 na Pulong ng United Nations Human Rights Council na idinaraos sa Geneva, Switzerland, sa ngalan ng halos 140 bansa, inilabas ni Yu Jianhua, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa mga Tanggapan ng UN sa Geneva, ang magkasanib na pahayag, na may pamagat na "magtulungan sa pagbabawas ng karalitaan, para magkakasamang pasulungin ang pandaigdig na usapin ng karapatang pantao."

Sa pahayag, tinukoy ni Yu, na ang karalitaan ay komong hamon sa sangkatauhan, at humahadlang ito sa lubos na pagsasakatuparan at pagtatamasa ng mga karapatang pantao. Aniya, sa kasalukuyan, halos 800 milyon ang bilang ng mga mahirap na populasyon sa daigdig, at mabigat ang pandaigdig na usapin ng pagbabawas ng karalitaan. Dagdag ni Yu, ang pagpawi ng lahat ng porma ng karalitaan ay saligang karapatan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa para sa maligayang pamumuhay, at ito rin ay mahalagang paraan para pasulungin at pangalagaan ang mga karapatang pantao. Nanawagan siya sa iba't ibang bansa, na magkakasamang magsikap para alisin ang karalitaan, upang lumikha ng kondisyon para sa mas mabuting pangangalaga sa mga karapatang pantao.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino