Ministrong Panlabas ng Tsina, dadalo sa Ika-73 Pangkalahatang Asemblea ng UN-Tagapagsalitang Tsino

2018-09-18 10:45:18 CRI

Ipinatalastas sa regular na presscon, Setyembre 17, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dadalo ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa Pangkalahatang Debatehan ng Ika-73 Sesyon ng Pangkalahatang Asemblea ng UN na nakatakdang idaos sa ika-25 ng Setyembre sa New York, Amerika. Aniya, nakatakdang buksan Setyembre 18 ang naturang sesyon.

Ipinahayag ni Geng na sa kanyang talumpati sa Pangkalahatang Debatehan, ilalahad ni Wang ang paninindigan ng Tsina kaugnay ng kasalukuyang kalagayang pandaigdig at mahahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig. Ipapakita rin ni Wang ang determinasyon ng Tsina sa pagbibigay-suporta sa multilateralismo, pangangalaga sa kapangyarihan at papel ng UN, at magkasamang pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, aniya pa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino