Ministri ng Komersyo ng Tsina: ipinalabas ang statement hinggil sa kapasiyahan ng Amerika na magpataw ng 10% karagdagang taripa sa mga produktong Tsino na inaangkat ng Amerika na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares

2018-09-18 17:29:50


Sa kabila ng napakaraming pagtutol mula sa loob ng bansa at buong daigdig,  ipinatalastas ng Amerika na mula ika-24 ng Setyembre, ipapataw ang 10% karagdagang taripa sa mga iniluluwas na produktong Tsino sa Amerika na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares. Bukod dito, isasagawa ng Amerika ang ibang hakbangin ng pagdaragdag ng taripa. Hinggil dito, ipinahayag ngayong araw ng tagpagsalita ng Ministring Komersyal ng Tsina ang  “kalungkutan”. Ipinahayag niyang para mapangalagaan ang sariling  karapatan, at kaayusan ng malayang kalakalan sa buong daigdig, isasagawa ng Tsina ang mga countermeasures tungkol dito.


Sinabi ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang aksyon ng Amerika ay nagdulot ng bagong kawalan ng katiyakan sa pagsasanggunian ng Tsina at Amerika. Umaasa ang panig na Tsino na  malalaman ng Amerika ang masamang bunga na posibleng idulot ng  aksyong ito, at agarang isagawa ang paaran para iwasto ito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino