Kooperasyong panturismo ng Tsina at Gitnang silangang Europa(16+1), may malaking potensyal-Premyer Tsino

2018-09-20 10:55:05 CRI

Dubrovnik, Croatia-Binuksan Setyembre 19, 2018 ang Ika-4 na Komperensiya ng Kooperasyong Panturismo ng Tsina at Gitnang silangang Europa (16+1). Nagpadala ng mensahe si Premyer Li Keqiang ng Tsina bilang pagbati sa nasabing pagtitipon.

Ipinahayag ni Premyer Li na mayaman ang likas-yamang panturismo ng Tsina at Gitnang silangang Europa, at malaki ang potensyal ng pagtutulungan ng dalawang panig sa larangang ito. Umaasa aniya siyang palalawakin ng kasalukuyang komperensiya ang kooperasyong panturismo, at pasusulungin ang pagpapalitan at pag-uunawaan ng mga mamamayan ng dalawang panig. Ito ay para maisakatuparan ang magkasamang pag-unlad ng mga Tsino at mga taga-Gitnang silangan Europa, dagdag ni Li.

Tinukoy ng Premyer Tsino na nitong 6 taong nakalipas sapul nang isagawa ang 16+1 Cooperation, patuloy na lumalalim ang pagtutulungan ng magkabilang panig sa ibat-ibang larangan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansa ng Gitnang silangang Europa, para ibayo pang pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan at bigyan ng mas maraming ginhawa ang mga mamamayan ng dalawang panig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino