Delegasyon ng Komite Sentral ng CPC, dumalo sa pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Ningxia Autonomous Region ng Tsina

2018-09-20 10:57:48 CRI

Dumating ng Yinchuan, Setyembre 19, 2018 ang delegasyon ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina(CPC) para dumalo sa pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Ningxia Hui Autonomous Region. Ang delegasyong ito ay pinamumunuan ni Wang Yang, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC at Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayang Tsino (CPPCC). Bilang pangalawang puno ng delegasyon, ibinigay naman ni Pangalawang Premyer Sun Chunlan sa pamahalaan ng Ningxia ang inskripsyon mula kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Tinukoy ni Sun na lubusang sinusubaybayan ni Pangulong Xi ang pamumuhay ng mga mamamayan at pag-unlad ng Rehiyong Awtonomo ng Ningxia. Umaasa aniya siyang patuloy na magsisikap ang lahat ng mga taga-Ningxia para maisakatuparan ang kasaganaan ng kabuhayan, pagkakaisa ng mga nasyonalidad, magandang kapaligiran, may kaginhawaang lipunan, at dakilang sigla ng nasyong Tsino.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino