Porum sa Pandaigdig na Komunikasyon ng Silk Road na Pandagat ng ika-21 Siglo, idinaraos sa Tsina

2018-09-20 11:37:29 CRI

Binuksan nitong Miyerkules ang Ikalawang 21st Century Maritime Silk Road China (Guangdong) International Communication Forum sa Zhuhai, siyudad sa lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina. Ang tema ng idinaraos na porum ay "Bagong Panahon, Bagong Silk Road, at Bagong Imahe."

Sa ilalim ng magkasamang pagtataguyod ng China Media Group (CMG) at pamahalaang probinsyal ng Guangdong, kalahok sa porum ang mahigit 800 panauhin mula sa 30 bansa na kinabibilangan ng mga puno ng organisasyong panrehiyon at pandaigdig, mangangalakal, dalubhasa, at media practitioner. Binubuo ang porum ng tatlong sub-forum na nagtatampok sa pagpapakilala sa daigdig ng mga tatak ng Guangdong, pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad sa pamamagitan ng inobasyong pansiyensya't panteknolohiya, at mga pagkakataong hatid ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Shen Haixiong, puno ng GMG na may mahalagang katuturan ang porum na ginaganap sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng pamahalaang Tsino ng reporma't pagbubukas sa labas at ikalimang anibersaryo ng pagharap ng Tsina ng Belt and Road Initiative (BRI) para sa komong kasaganaan. Bilang pangunahing media na ari ng estado, patuloy aniyang ipapakilala ng CMG ang kapasiyahan ng pamahalaang Tsino na ibayo pang magbukas sa labas at tumutol sa proteksyonismo para mapasulong ang komong kaunlaran at itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.

Si Shen Haixiong

Nagtalumpati rin sa seremonya ng pagbubukas ang mataas na opisyal ng Guangdong na sina Ma Xingrui, Fu Hua, at Guo Yonghang, kasama ng mga panauhing dayuhan na kinabibilangan nina Georgy Toloraya, Direktor Tagapagpaganap ng Russian National Committee on BRICS Research, at Stefania Stafutti, Direktor ng Confucius Institute na nakabase sa Turin, Italya.

Si Ma Xingrui

Si Fu Hua

Si Guo Yonghang

Si Georgy Toloraya

Si Stefania Stafutti

Salin: Jade

Pulido: Rhio


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino