Dalawang pandaigdigang pulong sa Tsina, nakakapaghatid ng benepisyo sa buong sangkatauhan

2018-09-20 15:07:15 CRI

Paano mas mabuting mapakinabangan ng buong sangkatauhan ang bagong teknolohiya? Ang dalawang pandaigdigang pulong na sabay ginanap sa Tsina ay nagkaloob ng patnubay sa nasabing tanong.

Mula Setyembre 17 hanggang 19, 2018, idinaos sa Shanghai ang kauna-unahang 2018 World Artificial Intelligence Conference na tinatawag na "Olimpiyada sa Larangan ng Artificial Intelligence (AI)." Sa kanyang mensaheng pambati sa pulong, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang kahandaan ng Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang bansa para mapasulong ang komong pag-unlad, pangangalaga sa seguridad, at magkakasamang pagtatamasa ng bunga sa larangan ng AI.

Sa nasabing pulong, naranasan ng mga tao kung paano gamitin ang AI sa mga larangang gaya ng edukasyon, kalusugan, pinansya, komunikasyon, at serbisyo. Nalaman din nila ang lebel ng pag-unlad ng industriya ng AI ng Tsina. Ayon sa "Blue Paper ng Pag-unlad ng Industriya ng Global Artificial Intelligence sa 2018" na inilabas sa nasabing pulong, hanggang noong unang hati ng kasalukuyang taon, nasa ikalawang puwesto ang bilang ng mga AI enterprises ng Tsina sa buong mundo.

Ang isa pang pandaigdigang pulong na sabay ginanap sa Tsina ay ang 2018 Summer Davos Forum. Ito ay nagtatampok din sa ika-4 na rebolusyong industriyal kung saan tinalakay ang tungkol sa paano itatayo ang mapanlikhang lipunan. Sa kanyang pagdalo sa porum, iniharap ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang tatlong paninindigang kinabibilangan ng matatag na pangangalaga sa globalisasyong pangkabuhayan, pagpapalakas ng inklusibilidad ng pag-unlad, at puspusang pagpapasulong ng inobasyon at pag-unlad. Tinukoy din niyang kapag naitayo ang ideyang "Komunidad ng Komong Kapalaran ng Sangkatauhan," pakikinabangan ng lipunan at buong sangkatauhan ang bagong teknolohiya.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino