Mga bansa sa daigdig, iniuugnay ng Belt and Road Initiative

2018-09-21 10:34:55 CRI

Zhuhai, Lalawigang Guangdong ng Tsina—Idinaos Huwebes, Setyembre 20, 2018 ang 21st Century Maritime Silk Road China (Guangdong) International Communication Forum. Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang mga beteranong dalubhasa't iskolar at mga opisyal ng media hinggil sa mga paksang gaya ng mga hakbangin at natamong bunga ng konstruksyon ng Belt and Road, pagpapalakas ng kooperasyon ng mga media at iba pa.

Ang kasalukuyang taon ay ika-5 aniberaryo ng pagharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng Belt and Road Initiative. Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, pinag-uugnay ang iba't ibang bansa sa daigdig.

Si Jean-Pierre Raffarin, dating Punong Ministro ng Pransya

Hinahangaan ni Jean-Pierre Raffarin, dating Punong Ministro ng Pransya ang Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina. Aniya, dapat isagawa ang mas maraming kooperasyon sa kahabaan ng Belt and Road, sa mga aspektong gaya ng konektibidad ng mga instalasyon, pasilitasyon ng kalakalan at akomodasyon ng pondo.

Si Hu Bangsheng, Pangalawang Presidente ng China Media Group

Ipinahayag naman ni Hu Bangsheng, Pangalawang Presidente ng China Radio International, na nitong nakalipas na 5 taon sapul nang iharap ang Belt and Road Initiative, kapansin-pansin ang mga natamong bunga. Aniya, dapat makatugon ang komunikasyon ng media sa pangangailangan ng pag-unlad at mga mamamayan sa kahabaan ng Belt and Road. Iminungkahi niyang dapat pag-aralan ng media ang kalagayan ng mga target country, malaman ang pangangailangan ng mga target audiences, aktibong palakasin ang pakikipagpalitan sa mga media ng iba't ibang bansa sa kahabaan ng maritime silk road, pahalagahan ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa mga bahay-kalakal, at patingkarin ang papel ng media para sa konstruksyon ng maritime silk road.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino