Ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Rehiyong Awtonomo ng Ningxia ng Tsina, ipinagdiwang

2018-09-21 15:23:43 CRI

Huwebes ng hapon, Setyembre 20, 2018, ginanap ang seremonya bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Hui ng Ningxia ng Tsina. Nagpadala ng mensaheng pambati ang Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), Konseho ng Estado, Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), at Central Military Commission ng CPC.

Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Wang Yang, Tagapangulo ng CPPCC, na nitong nakalipas na 60 taon, napakalaking progreso ang natamo ng pag-unlad ng kabuhayan ng Ningxia, at may malaking pagbuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. Kapansin-pansin din aniya ang pagbabago ng kapaligirang ekolohikal, at nananatiling maharmonya at matatag ang pangkalahatang kalagayan ng lipunan.

Si Wang Yang, Tagapangulo ng CPPCC

Tinukoy ni Wang na nasa bagong historical starting point ang konstruksyon ng modernisasyon ng Ningxia, at magiging mas malawak ang landas ng reporma at kaunlaran ng Ningxia. Nanawagan siyang magbuklod ang iba't ibang sirkulo at nasyonalidad ng rehiyong awtonomo, para itatag ang magandang bagong Ningxia, at maisakatuparan ang dakilang Chinese Dream.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino