Ipapataw na sangsyon ng Kagawaran ng Estado ng Amerika sa panig militar ng Tsina, lalabag sa saligang normang pandaigdig

2018-09-22 11:28:38 CRI

Hinimok ng Tsina ang Kagawaran ng Estado ng Amerika na kanselahin ang kapasiyahan nito na magpataw ng sangsyon laban sa Equipment Development Department (EDD) ng Central Military Commission ng Tsina at direktor ng EDD.

Sa regular na preskon nitong Biyernes, Setyembre 21, sa Beijing, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang matinding pagkapoot at solemnang representasyon sa nabanggit na kapasiyahan ng panig Amerikano. Isang araw nauna rito, ipinatalastas ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang nasabing kapasiyahan sa pangangatwirang lumabag ang EDD at direktor nito sa Countering America's Adversaries Through Sanctions Act (CAATSA).

Ipinagdiinan ni Geng na ang ipapataw na sangsyon ng panig Amerikano ay lalabag sa saligang norma ng pandaigdig na relasyon at makakapinsala rin ito sa mga relasyon ng dalawang bansa at dalawang hukbo.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino