Pasuguan ng Tsina sa Dominica, pinasinayaan

2018-09-22 15:27:20 CRI

Pinasinayaan nitong Biyernes, Setyembre 21 (local time), nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Miguel Vargas, Ministrong Panlabas ng Dominica ang Pasuguan ng Tsina sa Dominican Republic.

Sa kanyang talumpati sa pasinaya, sinabi ni Wang na sa makasaysayang sandaling ito, nagbukas ng bagong pahina ang relasyon ng Tsina't Dominica.

Sinabi naman ni Vargas na hinahangaan ng kanyang bansa ang natamong tagumpay ng Tsina sa pag-unlad, lalo na ang ibinibigay na ambag ng Tsina para pagbuklurin at tulungan ang mga umuunlad na bansa. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na pahigpitin ang pakikipagkoordinahan sa Tsina para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng daigdig.

Noong Mayo 1, 2018, lumagda ang Tsina at Dominica sa Magkasanib na Komunike ng Pagtatatag ng Ugnayang Diplomatiko, sa Beijing, Tsina.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino