Pagpapanumbalik ng talastasang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, ganap na depende sa mithiin ng panig Amerikano

2018-09-25 16:52:00 CRI

Sinabi ngayong araw, Martes, ika-25 ng Setyembre 2018, sa Beijing, ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na ang pagpapanumbalik ng talastasang pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay ganap na depende sa mithiin ng panig Amerikano.

Sinabi ni Wang, na nagkaroon na ang Tsina at Amerika ng 4 na round ng talastasang pangkalakalan, kung saan narating ang maraming komong palagay. Pero aniya, tinalikdan ng Amerika ang mga komong palagay na ito, at isinagawa ang mga hakbangin ng restriksyong pangkalakalan sa Tsina.

Binigyang-diin ni Wang, na ang pagkakapantay-pantay at pagtalima sa pangako ay susi sa talastasan. Dapat aniya sundin ng Amerika ang prinsipyong ito, para ipagpatuloy ang talastasan ng dalawang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino