Pangulong Xi, nagpadala ng mensaheng pambati sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng China Central Television

2018-09-26 15:25:03 CRI

Ngayong taon ay ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng China Central Television (CCTV) at ika-60 anibersaryo ng larangan ng telebisyon ng Tsina. Bilang pagdiriwang sa okasyong ito, idinaos ngayong umaga, Setyembre 26, 2018 sa Beijing ang pulong, kung saan binasa ang mensaheng pambati ni Pangulong Xi Jinping.

Ang CCTV na itinatag noong unang araw ng Mayo, 1958 ay mayroong 41 na tsanel. Ito rin ang siyang tanging telebisyon sa daigdig na nagbobroadcast sa 6 na opisyal na wika ng United Nations. Noong Marso, 2018 nabuo ang China Media Group (CMG) kung saan pinagsama ang CCTV, China National Radio (CNR), at China Radio International (CRI).

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Xi ang pangungumusta at pasasalamat sa mga empleyado ng CMG. Ipinaghayag din niya ang kanyang pag-asang mananangan ang mga media practitioner sa pagpapauna ng mga mamamayan, ipapakilala sa daigdig ang hinggil sa tunay na Tsina, matapat na mananagot sa tungkulin, at itatatag ang primera klaseng media sa daigdig.

Salin: Jade
Pulido: Mac


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino