Tsina, tinututulan ang pagbebenta ng sandata ng Amerika sa Taiwan-Tagapagsalitang Tsino

2018-09-26 16:16:19 CRI

Ipinahayag Setyembre 25, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinututulan ng bansa ang plano ng Amerika hinggil sa pagbebenta ng mga sandata sa Taiwan. Nagharap aniya ang Tsina ng solemnang representasyon sa panig Amerikano hinggil dito.

Winika ito ni Geng bilang tugon sa nakatakdang pagbebenta ng Amerika sa Taiwan ng mga sandatang nagkakalahaga ng 330 milyong dolyares.

Sinabi ni Geng na ito ay lumabag sa pandaigdigang batas, saligang norma ng relasyong pandaigdig, prinsipyo ng Isang Tsina, Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika, at soberanya at seguridad ng Tsina. Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang nasabing usapin para iwasan ang pagsira sa relasyong Sino-Amerikano at katatagan sa rehiyon ng Taiwan Straits.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino