Pinsala sa katiwasayang panrehiyon sa pangangatwiran ng kalayaan ng nabigasyon, tinututulan ng Tsina

2018-09-27 18:40:40 CRI

Ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtutol sa idudulot na pinsala ng anumang bansa sa soberanya ng Tsina at katatagang panrehiyon sa pangangatwiran ng kalayaan sa paglipad at paglalayag.

Winika ito ni Geng sa regular na preskon ngayong araw, Huwebes, Setyembre 27, 2018, bilang tugon sa iniulat na paglipad ng mga eroplanong panagupa ng Estados Unidos sa South China Sea at East China Sea.

Idinagdag pa ni Geng na nabasa ng panig Tsino ang nasabing ulat, at ibayo pang sisiyasatin nito ang mga detalye hinggil dito.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino