Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina: huwag maliitin ang kompiyansa, determinasyon at kakayahan ng Tsina

2018-09-28 15:52:33 CRI

Kaugnay ng alitang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika, ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na gagawing lakas-panulak ng Tsina ang hamon, at pasusulungin ang pagbabago, pag-a-upgrade at pag-unlad ng kabuhayan. Umaasa siyang maiintindihan ng panig Amerikano ang kalagayan, at huwag maliitin ang kompiyansa, determinasyon at kakayahan ng panig Tsino.

Dagdag pa ni Gao, sa kasalukuyan, magkakasunod na itinakda ng mga pamahalaang lokal sa iba't ibang antas ang ilang patakaran sa paggamit ng puhunang dayuhan, ibayo pang pinataas ang koordinasyon at episyensiya ng mga departamento, at puspusang pinataas ang pasilitasyon ng pamumuhunan, at lebel ng pagpapasulong at pangangalaga sa pamumuhunan, upang likhain ang primera klaseng kapaligirang pangnegosyo. Kinokoordina at nilulutas din aniya ng Tsina ang ilang konkretong problema na kinakaharap ng mga bahay-kalakal na may puhunang dayuhan.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino