Kasaysayan, hindi dapat makalimutan para sa mas magandang kinabukasan — Tsina

2018-09-30 15:28:30

Ngayong araw, Setyembre 30, 2018 ay ika-5 Martyr Memorial Day ng Tsina. Idinaos sa harap ng Monument to the People's Heroes, Tian'anmen Square sa Beijing, ang maringal na seremonya para alalahanin ang lahat ng martyr na nagsakripisyo para sa kasarinlan ng Nasyong Tsino, kalayaan at kaligayahan ng mga mamamayan, at kasaganaan at kalakasan ng bansa.

Sa maraming bansa sa daigdig, may sariling paggunita ng araw ng mga martyr. Sa espesyal na araw bawat taon, sa pamamagitan ng pagdaraos ng maringal na seremonya, inaalala nila ang kani-kanilang mga bayaning pambansa, dahil ang pagbibigay-galang sa mga bayani ay nagsisilbing komong konsepto sa sangkatauhan.

Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang isang may pag-asang nasyon ay hindi-maihihiwalay sa mga bayani, at ang isang may kinabukasang bansa naman ay hindi maihihiwalay sa mga tagpagtaguyod.

Nitong 69 na taong nakalipas sapul nang maitatag ang bagong Tsina, palagiang nagpupunyagi ang mga mamamayang Tsino para pangalagaan ang kapayapaan at pagsasarili, at pasulungin at isakatuparan ang pag-ahon ng Nasyong Tsino, aniya pa. Nitong 40 taong nakalipas, sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, unti-unti aniyang umuunlad ang Tsina bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa buong daigdig. Bukod dito, nitong ilang taong nakalipas, nakapagbibigay ang Tsina ng 30% contribution rate sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, dagdag ni Xi.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino