Mga lider ng partido at bansa, nagbigay-galang sa mga pambansang bayani

2018-09-30 15:31:21

Ngayong araw, Setyembre 30, 2018, ay Martyr Memorial Day ng Tsina. Kaninang umaga, idinaos sa Tian'anmen Square sa Beijing ang seremonya ng pagbibigay-galang sa mga pambansang bayani. Kasama ng mga kinatawan mula sa iba't-ibang sirkulo ng Beijing, dumalo sa seremonyang ito ang mga lider ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at bansa na kinabibilangan nina Xi Jinping, Li Keqiang, Li Zhanshu, Wang Yang, Wang Huning, Zhao Leji, Han Zheng, Wang Qishan, at iba pa, upang alalahanin ang mga martyr at bigyang-galang ang mga pambansang bayani sa ngalan ng estado.

Ayon sa di-ganap na estadistika, halos 20 milyong martyr ang nagsakripisyo para sa pagsasarili ng Nasyon, kalayaan at kaligayahan ng mga mamamayan, at kasaganaan ng bansa. Noong Agosto ng 2014, itinakda ng Tsina ang Setyembre 30 ng bawat taon bilang Martyr Memorial Day sa pormang pambatas.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino