Pangulong Tsino, nagpadala ng mensahe ng pakikiramay kay Joko Widodo

2018-10-01 15:38:15 CRI

Kaugnay ng napakalakas na lindol at tsunami na naganap sa probinsyang Central Sulawesi, Indonesia, ipinadala nitong Linggo, Setyembre 30, 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay sa kanyang Indonesian counterpart na si Joko Widodo.

Sa mensahe, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinahayag ni Xi ang malalim na pakikidalamhati sa mga biktima, at ang taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan, nasugat, at mga mamamayan sa apektadong lugar. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na ayon sa pangangailangan ng panig Indones, magkaloob ng tulong sa bansang ito.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino