Resepsyon ng Pambansang Araw, idinaos ng Konseho ng Estado ng Tsina

2018-10-01 15:39:33 CRI

Beijing — Idinaos kagabi, Setyembre 30, 2018, ng Konseho ng Estado ng Tsina ang resepsyon ng Pambansang Araw bilang maringal na pagdiriwang sa ika-69 na anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China. Dumalo rito ang mga lider ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at bansa na kinabibilangan nina Xi Jinping, Li Keqiang, Li Zhanshu, Wang Yang, Wang Huning, Zhao Leji, Han Zheng, at Wang Qishan, at mahigit 1,200 personaheng Tsino at dayuhan.

Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Premyer Li na sapul nang pumasok sa kasalukuyang taon, natamo ng Tsina ang mga bagong progreso sa pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas.

Ani Li, ang pagbubukas sa labas ay di-maiiwasang pagpili ng Tsina patungong modernisasyon. Aniya, patuloy at aktibong psusulungin ng Tsina ang lebel ng pagbubukas sa labas, at pangangalagaan ang sariling kapakanang pangkaunlaran. Ayon sa prinsipyong "magkakasamang pagsasanggunian, magkakasamang konstruksyon, at magkakasamang pagtatamasa," pasusulungin aniya ng Tsina ang kooperasyong pandaigdig sa "Belt and Road." Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang bansa sa daigdig upang mapalawak ang bagong espasyo ng kanilang kooperasyon, dagdag niya.

Bago ang nasabing resepsyon, kinatagpo rin ni Premyer Li ang mga dayuhang eksperto at kanilang kamag-anakan na ginarawan ng "2018 Chinese Government Friendship Award." Tinukoy ni Li na ang mga dayuhang talento ay mahalagang bahagi ng mapanlikhang sistema ng Tsina. Winiwelkam aniya ng Tsina ang pagpapatingkad ng mas maraming dayuhang eksperto ng mas malaking papel sa inobasyon at pag-unlad ng Tsina. Aktibong isasagawa ng Tsina ang mas positibo, bukas, at mabisang hakbangin para makapagbigay ng mas maraming ginhawa sa mga dayuhang talentong nagtatrabaho sa Tsina, dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ng mga dayuhang eksperto na patuloy silang magsisikap para mapasulong ang pag-unald ng Tsina at progreso ng sibilisasyon ng sangkatauhan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino