Komentaryo: bawat mamamayang Tsino, lakas-pampasigla ng bansa

2018-10-04 20:50:21 CRI

Ipinagdiwirang ngayon ng buong Tsina ang National Day holiday na tumatagal mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 7. Ang paglalakbay sa loob at labas ng bansa ay isa sa mga paraan ng pagpapalipas ng pitong-araw na bakasyon ng mga mamamayang Tsino. Ayon sa datos na opisyal, noong unang araw ng bakasyon, umabot sa 122 milyong person-time ang tinanggap na turista sa buong Tsina at lumampas sa 103 bilyong yuan RMB ang kitang panturimo. Kapuwa mas mataas ng mahigit 7% ang nasabing dalawang bilang kumpara sa gayunding panahon ng taong 2017. Taliwas ito sa pananalitang bumaba ang konsumo ng mga Tsino.

Tian'anmen Square sa National Day holiday ngayong taon

 Mga turistang Tsino sa Tian'anmen Square sa National Day holiday ngayong taon

Apektado ng dumaraming di-tiyak na elemento ng kabuhayang pandaigdig, nahihirapan ang Tsina sa pagpapanatili ng matatag na pag-unlad ng kabuhayan. Hindi ito tinututulan ng pamahalaang Tsino. Ipinagdiinan din ng Tsina na tulad ng dati matatagumpayan nito ang mga kahirapan, at susulong pa.

Masasabing pinagtuunan ng pansin ng mga taga-Kanluran, pangunahin na ang kabuhayan ng Tsina, at hindi nito pinag-aralan ang diwa ng mga mamamayang Tsino na nagtatampok sa paglikha, pagpupursige, pagkakaisa at pagkakaroon ng pangarap, na siyang nagpapasigla sa Tsina. Inilalarawan ang nasabing diwa ng mga kuwento ng mga mamamayang Tsino sa iba't ibang larangan na gaya ng mga pambansang bayani ng Space Program ng bansa at libu-libong delivery men.

Natutuhan din ng mga mamamayang Tsino ang pagiging inklusibo sa mahabang kasaysayan ng pag-unlad ng Nasyong Tsino. Nitong libu-libong taong nakalipas, pinagsasama ng Tsina ang sariling tradisyon at dayuhang sibilisasyon, at walang-humpay na umuunlad. Sa kasalukuyan, sinasalamin ang pagpapahalaga ng mga mamamayang Tsino sa harmonyang may pagkakaiba ng mga inisyatiba at mungkahi na iniharap nito para sa komong kaunlaran na gaya ng Belt and Road Initiative (BRI) at komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan. Ang pagpapahalaga sa pagiging inklusibo at pagpupursige ng bawat Tsino ay nagsisilbing pinakamatatag na lakas sa pagpapasulong ng pag-unlad ng Tsina.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino