Ika-69 na kaarawan ng Republika ng Bayan ng Tsina, binati ng mga bansang dayuhan

2018-10-05 15:45:16 CRI

Nitong nagdaang unang araw ng buwang ito ay Pambansang Araw ng ika-69 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Maraming bansang dayuhan ang nagpadala ng mensaheng pambati sa Tsina sa okasyong ito. Sa kanilang mensahe, ipinahayag ng mga bansang dayuhan ang kanilang paghanga sa mga natamong bunga ng Tsina nitong 69 na taong nakalipas, lalo na nitong 40 taong nakaraan sapul nang isagawa ng bansa ang reporma't pagbubukas sa labas. Umaasa anila silang mapalalalim ang pakikipagtulungan sa Tsina sa iba't ibang larangan.

Kabilang sa nasabing mga bansang dayuhan ay Alemanya, Belarus, Chile, Czech Republic, Italya, Mauritius, Morocco, Samoa, Turkey, at iba pa.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino