CRI komentaryo: Amerika, hindi kailangang mabalisa dahil sa Tsina

2018-10-06 16:32:50 CRI

Sa kanyang talumpati kamakailan sa isang think tank sa Washington, binatikos ni Pangalawang Pangulong Mike Pence ng Amerika ang mga patakarang panloob at panlabas ng Tsina, at higit sa lahat, sinabi niyang nakikialam ang Tsina sa mga suliraning panloob at halalan ng Amerika. Bilang tugon, sinabi naman ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang batayan at walang katwiran ang pahayag ni Pence, at ito ay buong tinding tinututulan ng panig Tsino.

Ang pagbatikos sa Tsina sa mga ini-imbentong isyu ay hindi bagong kagawian ng Amerika. Sa darating na ilang araw, dadalaw sa Tsina si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika. Umaasa ang panig Amerikano, na sa pamamagitan ng aksyong ito, magpapataw ng presyur sa Tsina, para magkaroon ng bentahe si Pompeo sa pakikipag-usap sa panig Tsino.

Ang paglabas ni Pence ng nabanggit na pahayag sa panahong ito ay naglalayon ding dagdagan ang political capital para sa administrasyon ni Donald Trump sa gaganaping mid-term election. Ang pagiging matigas sa Tsina ay kasalukuyang tunguhin ng patakaran ni Trump. Sa pamamagitan ng pag-iimbento ng mga di-umano'y kasalanan ng Tsina, tinatangka ni Pence na patunayang tumpak ang patakarang ito. Samantala, pinalakas din niya ang naturang posisyon, para matamo ng Republican Party ang suporta ng mas maraming botante.

Tulad ng sinabi ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagsasabi ni Pence hinggil sa pakikialam ng Tsina sa mga suliraning panloob ng Amerika ay "hinugot mula sa hangin." Ang posisyong ito ng Tsina ay kinakatigan din sa loob ng Amerika. Sinabi kamakailan ni Homeland Security Secretary Kirstjen Nielsen ng Amerika, na sa kasalukuyan, walang katibayang nagpapakitang may tangka ang Tsina na sirain o baguhin ang magiging resulta ng mid-term election ng Amerika. Sinabi naman ng mga mediang Amerikano, na hindi totoo ang akusasyon ni Pence sa Tsina.

Sa katotohanan, ang di-pakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa ay isa sa limang prinsipyong diplomatiko na itinakda ng Tsina noong 1953 at laging iginigiit ng bansa. Pagdating naman sa relasyong Sino-Amerikano, malinaw at konsistente rin ang patakaran ng Tsina, na paghahangad ng walang-alitan, walang-komprontasyon, mutuwal na paggagalangan at win-win result na kooperasyon ng dalawang bansa. Kahit sa panahon ng kasalukuyang alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, binibigyang-diin pa rin ng Tsina ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa. Dahil ito ay makakabuti hindi lamang sa dalawang bansa, kundi rin sa katatagan at kaunlaran ng buong daigdig.

Kaya, dapat tumpak na unawain ng Amerika ang mga patakaran ng Tsina, at buong tapat ding pakinggan ang tinig nito, para alisin ang di-kinakailangang pagkabalisa sa Tsina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino