Pangulong Tsino, bumati sa bagong pangulo ng Iraq

2018-10-10 09:31:19 CRI

Nagpadala Oktubre 9, 2018 ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Barham Salih bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang bagong pangulo ng Iraq.

Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong ilang taong nakalipas, walang tigil na lumalalim ang trandisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Iraq, mabilisang umuunlad ang pragmatikong pagtutulungan, at humihigpit ang people to people exchanges ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang susulong ang rekonsilyasyong pampulitika at rekonstruksyong pangkabuhayan ng Iraq sa hinaharap, at patuloy na magtatagumpay ang bansa sa pagsasakatuparan ng pambansang kaunlaran alinsunod sa aktuwal na kalagayan ng bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Iraq para ibayong pasulungin ang estratehikong partnership, at bigyan-ginhawa ang mga mamamayan ng dalawang bansa.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino