Panig Tsino, hinimok ang panig Amerikano na itigil ang pananalita at aksyong nakakapinsala sa relasyong Sino-Amerikano

2018-10-10 11:57:06 CRI

Hinimok Martes, Oktubre 9, 2018 ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Amerikano na itigil ang walang batayang paninirang-puri at pagbatikos sa Tsina, itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at itigil ang mga pananalita at aksyong nakakapinsala sa relasyong Sino-Amerikano.

Kaugnay ng pagbatikos kamakailan ng lider ng Amerika sa umano'y pakikialam ng panig Tsino sa suliraning panloob at halalan ng Amerika, tinukoy ni Lu na palagiang iginigiit ng Tsina ang simulain ng di-pakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa, at hindi ito intersadong makialam sa suliraning panloob at halalan ng Amerika.

Kaugnay naman ng panghihimasok ng panig Tsino sa halalan ng Amerika sa pamamagitan ng pagpapataw ng karagdagang taripa, malinaw aniya ang katotohanan na ang alitang pangkabuhaya't pangkakakalan ng dalawang bansa ay unilateral na inilunsad ng panig Amerikano, at sapilitang ginawa ng panig Tsino ang kinakailangang reaksyon.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino