Tsina, ibayo pang magbibigay-sigla sa mass entrepreneurship at innovation

2018-10-10 17:11:51 CRI

Sinabi kahapon, Martes, ika-9 ng Oktubre 2018, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ibayo pang magbibigay-sigla ang pamahalaan sa mass entrepreneurship at innovation, para pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng bansa.

Nagpahayag din si Li ng lubos na paghanga sa papel na pinatingkad nitong ilang taong nakalipas ng mass entrepreneurship at innovation para sa paggagalugad ng potensyal ng inobasyon, pagpapalakas ng kasiglahan ng pamilihan, at pagdaragdag ng hanapbuhay. Ang mga ito aniya ay mahalaga para sa estratehiya ng pagpapasigla ng inobasyon at de-kalidad na pag-unlad ng bansa.

Winika ito ni Li, kaugnay ng pagsisimula nang araw ring iyon ng mass entrepreneurship and innovation week sa Chengdu, Tsina. Ang aktibidad na ito ay isang plataporma para magpalitan ang mga mangangalakal ng ideya hinggil sa pagnenegosyo, at ipakita ang mga pinakahuling bunga ng inobasyong panteknolohiya.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino