Matatag na tunguhin ng kabuhayang Tsino, hindi nagbabago--opisyal na Tsino

2018-10-10 17:10:38 CRI

Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Ning Jizhe, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na hindi nagbabago ang matatag na tunguhin ng kabuhayang Tsino.

Sinabi ni Ning, na ginawa niya ang konklusyong ito, batay sa apat na pangunahing indeks na pangkabuhayan, na paglaki ng GDP, balance of payments, paghahanapbuhay, at presyo ng mga bilihin. Ayon sa kanya, nitong nakalipas na 3 taon o 12 kuwarter na singkad, nananatili ang paglaki ng GDP ng Tsina sa 6.7% hanggang 6.9%, na itinuturing na medium to high speed range. Samantala, ang halaga ng foreign reserve ng Tsina ay nananatili sa 3 trilyong Dolyares pataas, at mainam naman ang mga estadistika sa paglaki ng bilang ng mga taong nagkakaroon ng trabaho, at Consumer Price Index.

Sinabi rin ni Ning, na sa kasalukuyan, may pagtaas-baba sa pandaigdig na pamilihan ng pinansyo at paninda. Aniya, bukas ang kabuhayang Tsino, at mahigpit ang ugnayan nito sa kabuhayang pandaigdig, kaya normal ang pagkakaroon din ng pagtaas-baba sa kabuhayang Tsino.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino